Now Playing Tracks

Mayor Mel Mathay, points out the most basic problems that continue to plague Quezon City despite being the richest city and having the highest tax rates…

The next mayor should have experience, a vision, and the political will to carry it out.

Hindi pwede puro popularity lang.

Like i posted before, I have collected quite a few interesting audio clips from the one of the forums for the Quezon City mayoralty candidates.  I have decided to pick the most noteworthy ones from the leading candidates— Mayor Mel Mathay, Mike Defensor, and Annie Susano.

In this one Mayor Mel Mathay speaks about the elections he participated and his assurance that he would only “Say what he means and mean what he says….”

All pictures are copyrighted by their respective owners.


My grandfather once told me that there were two kinds of people: those who do the work and those who take the credit. He told me to try to be in the first group; there was much less competition. – INDIRA GANDHI

Mel Mathay on importance of the May 10 elections…

"Ito ang kaunaunahang pagkakataon na tayo ay gagamit ng electoral process na automated…

…at kung ganun at  malinaw na ito’y isang kapanipaniwala at malinis na halalan we can really join hands, set aside the past and move forward to meet the tremendous challenges that we have today so that we can have a better QC and a better Philippines.”

Bistek di iboboto ng mga empleyado ng Quezon City hall

Isa sa pinakamahalagang aspeto sa pagpapatakbo ng isang organisasyon maging ito man ay isang negosyo or sangay ng gobyerno ay ang pagkakaroon ng masasayang mga empleyado na sumusuporta sa namumuno nito.

Dahil kahit na gaano ka man kagaling at kahit gaano man kaganda ang mga plano, kakailanganin mo pa din ang mga taong gagawa at magpapatupad nito para sa yo.

Kaya nga’t nakakabagabag isipin ang nakakatakot ang posibilidad na maging mayor si Herbert Bautista dahil mismong suporta ng mga kawani ng city Hall ay hindi nito makuha.

Paano ba naman sa laki ng kinita ng QC eh hindi mabigay ang COLA ng mga empleyado. Baka naman kase inuuna pa nya ang kanyang walang katapusang emergency purchases ng food and drinks.

Kung mismong mga pangangailangan ng mga taong nagtratrabaho sa City Hall di mabigyang pansin ni Bistek, paano pa ang mga mahihirap at nangngailangang mga residente ng QC??

Bistek laglag sa QC hall employees dahil sa ‘unpaid’ COLA

Hataw tabloid    Tuesday, 13 April 2010 00:10
Tiniyak ng mga empleado ng Quezon City Hall na hindi nila iboboto ang komedyanteng Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kapag hindi naibigay ng pamahalaang lokal ang kanilang Cost of Living Allowance (COLA) na sinuspende ang pagbibigay mula noong 1989 hanggang 2004.

“Itaga n’yo sa bato. Hindi namin susuportahan si Bistek kapag patuloy na ipagkait sa amin ng lokal na pamahalaan ang aming benepisyo,” ayon kay Erwin Lanuza, Presidente ng  Kapisanan ng mga Manggagawa at Kawani ng QC (KASAMA KA-QC).

Sa ginanap na lighting protest rally sa city hall, muling kinalampag ng mga empleyado at kawani ng Quezon City Hall sa pangunguna ng KASAMA KA-QC si Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte  upang kondenahin ang alkalde sa pagharang niya sa pagbibigay ng kanilang mga benepisyo kabilang ang kanilang COLA.

Tangan ang mga placards na nagsasabing “COLA BACKPAY, IBIGAY NA DAPAT. SAPAT ANG PONDO NG QC!” binatikos ng mga miyembro ng KASAMA KA-QC si Belmonte dahil patuloy niyang ipinagkakait ang kanilang benepisyo sa hindi malamang kadahilanan.

Tiniyak ng grupo na ilalaglag nila si Bistek sapagkat wala man lang siyang nagawa upang isulong at protektahan ang kanilang karapatan sa kabila ng kanilang matapat na pagtupad sa kanilang tungkulin kung kaya’t naabot ng pa-mahalaang lokal ang kasalukuyang kalagayan nito.

Binatikos din ng grupo ang pagmamalaki ng pamahalaang lokal na mayaman ang kaban nila samantala hindi maibigay ang karapat-dapat sa mga empleado.

Matatandaan, sa kabila ng isang Supreme Court decision na nag-uutos sa Quezon City government na ibigay ang COLA ng mga empleado ay hindi pa rin inilalabas ni Belmonte ang pondo para sa kanila.

Nakatakda sanang matanggap ng city hall employees ang kanilang COLA na ibininbin mula 1989 hanggang 2004 matapos pagtibayin ang isang 2005 resolution pero nai-veto ni Belmonte. Muling isinulong ng mga konsehal ang pagbibigay ng naturang benepisyo sa mga empleado sa pamamagitan ng panibagong resolusyon ngayong Pebrero 2010 ngunit muli itong hinarang ni Belmonte.

“Matagal na naming hinihintay na ibigay nila ang aming COLA. Hindi naman siguro kaila sa kanila na karapat-dapat lang na ibigay nila ito sa amin dahil pinagtrabahuhan naman namin ito. Malaking bagay ito para sa amin at sa aming mga pamilya lalo na ngayong mahirap ang buhay,” ayon kay Lanuza.

Nakatakdang magsagawa ng mga kilos protesta ang grupo ng mga empleado hangga’t hindi inaaksyonan ang kanilang hinaing at hindi nila nakakamit ang benepisyong para sa kanila.

“Kumilos tayo bago mahuli ang lahat. Alam natin na tayo ay nasa tama kaya hindi tayo dapat matakot na ipaglaban ang ating mga karapatan bilang tao, manggagawa at lingkod bayan,” sigaw  ni Lanuza.

Kasabay nito, nauna nang inilutang ng mga empleado ng QC Hall ang matitibay na ebidensiya laban kay Bistek sa isa na namang kaso ng katiwalian laban sa dating komedyante. Dahil dito, pinaniniwalaang nilustay niya ang may P106 milyong pondo ng kanyang tanggapan para sa food and drinks imbes gamitin sa mga makabuluhang proyekto.

Ang pinakahuling kaso ng graft at plunder laban kay Bistek ay isinampa ng residente mula sa Payatas na si Nicanor Salameda sa Office of the Ombudsman kamakailan.
http://www.hatawtabloid.com/archive/15546-bistek-laglag-sa-qc-hall-employees-dahil-sa-unpaid-cola

Carnapping Capital?

Bukod sa pagiging Squatting Capital at Tax Capital— Carnapping capital na din kaya ang QC?

Ano kaya ang balak gawin ni Vice Mayor Bistek sa problemang ito… wag naman sana siya tumago ng tumago katulad ng ginagawa nya ngayon sa mga forums.

Carjackers take Pajero in QC

qcspectator:

MANILA, Philippines - Carjackers struck again in Quezon City, forcibly taking a Mitsubishi Pajero from its driver on Thursday night.

Police said the Mitsubishi Pajero with plate number CTV 320 was being driven by Reynaldo Siapno along Shorthorn Street in Project 8 when the armed carjackers blocked his way.

He said the carjackers held the driver at gun point and forcibly pulled out of the vehicle.

The Quezon City police has sent alarms to other police units around Metro Manila for the immediate recovery of the car. — Report from radio dzMM

as of 04/16/2010 8:41 AM

Medyo madami na din ang mga Mayoralty forum na ginanap sa QC upang lalo natin makilala ang mga kandidato. Sa mga napuntahan ko, always present si Former Mayor Mel Mathay, at si Mike Defensor. Minsan ko na din nakita si Cong. Annie Susano, na “nakakatuwa” pala magsalita—lalo na ang favorite line nyang— “They are so kawawa” —bagamat wala akong maintindihan sa gusto nyang mangyari..puro na lang consultants at advisers daw niya ang bahala. Si mike naman wala pa ding kupas sa pambobola at matatamis na salita. Si Mayor Mathay naman gusto tapusin—at dagdagan ang lahat ng sinimulan nya sa QC (Eastwood, North Triangle, Mindanao Avenue, Cubao).

Pero ni minsan—-ni anino ni Vice Mayor Herbert Bautista ay di ko nakita sa mga forum. Bakit kaya? Takot ba si Vice matanong ng gagawin niya? O baka mas takot siyang matanong kung ano na ang nagawa niya? Eto talaga si Vice, di pa nananalo me pagkasuplado na. Sabi nya pagtutulungan lang daw siya ni Mathay at Defensor…eh ano naman kinakatakot nya?

Dalawa lang yan…baka may tinatago…o walang alam.

We make Tumblr themes